Red Lions sasagpangin ang ‘twice-to-beat’ incentive

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

10 a.m. – Lyceum vs St. Benilde (jrs)

12 n.n. – San Beda vs Arellano (jrs)

2 p.m. – Lyceum vs St. Benilde (srs)

4 p.m. – San Beda vs Arellano (srs)

MANILA, Philippines – Ipupuwesto ng five-time defending champions na San Beda Red Lions ang sarili sa unang dalawang pu­westo at ang mahala­gang ‘twice-to-beat’ advantage sa pagpanalo sa laro la­ban sa Arellano Chiefs sa 91st NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang tampok na laro ay nakatakda sa alas-4 ng hapon at sapat na ang ma­kukuhang ika-13 panalo pa­ra maibulsa ang mahalagang bentahe sa Final Four.

Sakaling matalo ang Red Lions sa Chiefs ay may isa pa silang tsansa na ma­lagay sa unang dalawang pu­westo matapos ang double-round elimination pe­ro mas magiging mahirap ito dahil ang kanilang hu­ling asignatura ay laban sa Letran Knights.

Ang Chiefs ay may 10-6 baraha at katabla ang host Ma­pua Cardinals sa ika-li­mang puwesto at mahalaga sa kanilang makuha ang pa­nalo dahil makakatabla si­la sa ikatlo hanggang ika-limang puwesto kasama ang Perpe­tual Help Altas at Jose Rizal Heavy Bombers.

Natalo ang Chiefs sa ka­nilang huling laro laban sa Knights, 81-87, pero may paghuhugutan ng la­kas ang tropa dahil ti­nalo nila ang Red Lions sa kanilang unang pagtutuos, 88-84, noong Agosto 18.

Show comments