Nationals pupuntiryahin ang semifinals Berth
Laro Ngayon (Changsha Social Work College Gymnasium)
2:30 p.m. Iran vs South Korea
4:45 p.m. Japan vs Qatar
7:30 p.m. India vs China
9:30 p.m. Gilas Pilipinas vs Lebanon
CHANGSHA – Kilala ni Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin ang bawat player ng Lebanon at alam din niya kung ano ang kayang gawin nito.
Si Baldwin ang dating mentor ng Lebanon na inakay niya sa ika-20 puwestong pagtatapos sa kabuuang 24 koponan noong 2010 World Championship sa Turkey.
“They have players who can shoot very well. They’re a good transition team. We know they’ve got a good overall size though they aren’t a big team,” wika ni Baldwin.
Nakatakdang labanan ng Gilas Pilipinas ang Lebanon ngayong alas-9:30 ng gabi sa quarterfinal round ng 2015 FIBA Asia Championship dito sa Changsha Social Work College Gymnasium.
Kung mananalo sila sa Lebanon ay maaaring makaharap ng Nationals ang sinuman sa Japan o Qatar sa semifinals na magpapalakas sa kanilang tsansa sa nag-iisang tiket para sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.
Ang mga players na tinutukoy ni Baldwin ay sina Jean Abdelnour at Rodrigue Akl na naglaro sa Turkey at kasalukuyan pa ring miyembro ng Lebanese team.
Ang iba pang miyembro ng 2010 Lebanon squad ay ang namayapang si naturalized player Jackson Vroman, Ali Mahmoud, Rony Fahed, Elie Rustom, Elie Stephan, Ali Kanaan, Ali Fakhredine, Matt Freija, Ghaleb Rida at Fadi El-Khatib.
Si Vroman ay naging import ng Ginebra sa PBA.
Sa paggiya ni Baldwin ay ginulat ng Lebanon ang Canada, 81-71, bago natalo sa France, 59-86; New Zealand, 76-108; Spain, 57-91, at Lithuania, 66-84, noong 2010 World Cup.
“The Lebanese team always battles so you know this is a team that can have a really good game. They can put a real good game together,” ani Baldwin.
Mapapanood ang laro ng GIlas Pilipinas at Lebanon sa TV5 at Aksyon TV.
- Latest