^

PSN Palaro

Patrimonio sisters nagbabanta

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umabante ang magkapatid na sina Clarice at Christine Patrimonio sa sumunod na round nang nagtala ng magkaibang ruta ng panalo sa pagbubukas kahapon ng 34th Philippine Columbian Association (PCA) Open-Cebuana Lhuillier Wildcard Event women’s singles sa PCA clay court sa Paco, Manila.

Laro ng isang top seed ang inilabas ni Clarice nang pagpahingahin na si Erika Manduriao, 6-2, 6-1, habang walang hirap na pumasok sa Last 16 si Christine dahil hindi sumipot ang kalabang si Kimberly Keethler.

“I hope mas maganda pa ang ilalaro ko sa next round. Napahinga ako ng one week at warm-up pa lang ito,” wika ng 21-anyos na si Clarice at kumukuha ng kursong HRM sa National University.

Makakaharap ni Clarice si Crizzabelle Paulino na sinibak si Janina Luis, 6-0, 6-1, habang si Christine ay kapaluan si Lenelyn Milo na nanaig kay Jennylyn Magpayo, 6-1, 7-6 (3).

Abante rin ang second seed na si Marinel Rudas sa kompetisyong suportado ng Cebuana Lhuillier, Puma, Dunlop, Head, Babolat, Compass/IMOSTI, Philippine Star at Sarangani Congressman Manny Pacquiao nang tinalo si Jana Exconde, 6-0, 6-1.

Nagwagi rin sina third seed Edilyn Balanga, fourth seed Maia Balce, fifth seed Siaira Hope Rivera at sixth seed Hannah Espinosa.

Tinalo ni Balanga si Precian Eve Rivera, 6-1, 6-0; si Balce ay nagwagi kay Princess Castillo, 6-1, 6-1;  si Rivera ay nanaig kay Ana Atangan, 6-1, 6-0 at si Espinosa ay binokya si Monica Cortez, 6-0, 6-0.

Samantala, iinit pa ang aksyon sa men’s singles sa paglarga ng round-of-16.

Tiyak na ilalabas ng mga maglalaban-laban ang angking galing dahil ang mga mananalo ay makakatiyak ng puwesto sa qualifying ng 2015 Manila-ITF Men’s Futures sa susunod na buwan.

Kalaban ng nagdedepensang kampeon na si Patrick John Tierro si Noel Damian Jr. habang ang 8-time champion at 2nd seed na si Johnny Arcilla ay katipan ang qualifier na si Arthur Pantino.

Kalaban ni third seed Elbert Anasta si Diego Dalisay; ang fourth seed na si Alberto Lim Jr. ay kalaro si Argil Lance Canizares; ang fifth seed Rolando na si Ruel Jr. ay haharapin si Alberto Villamor; ang sixth seed na si Marc Anthony Alcoseba ay kalaro si Stefan Suarez; ang seventh seed na si Francis Casey Alcantara ay kapaluan  si 12th seed Roel Capangpangan at ang eight seed na si Ronard Joven ay sasabak kay 10th seed Fritz Verdad.

ALBERTO LIM JR.

ALBERTO VILLAMOR

ANA ATANGAN

ANG

ARGIL LANCE CANIZARES

ARTHUR PANTINO

CEBUANA LHUILLIER

CHRISTINE PATRIMONIO

CLARICE

CRIZZABELLE PAULINO

SEED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with