^

PSN Palaro

3k runners lumahok sa Takbo para sa Marikina Watershed

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mahigit na 3000 mananakbo ang sumali sa Takbo para sa Marikina Watershed kahapon sa Marikina River Park sa Marikina City.

Ang karera ay pinaglabanan sa mga distansyang 10k, 5k at 3k at ang mga nagkampeon ay sina Michael Busitu (32:13) at Emi­ly Nillyguin (48:22) sa 10k, Ike Jomao-As (19:27) at April Quiabao (26:23) sa 5k at Vincent Nicoyco (11:54) at Pamela Mae Marcelo (15:16) sa 3k.

Pinarangalan din ang 78-anyos na si Honorato Edni­lag Jr. bilang pinakamatandang runner at ang 8-anyos na si  Jhonrey Romero bilang pinakabata.

Dumalo rin ang actress-model na tubong Marikina na si Angel Aquino at na­ngako siya ng P5,000 kada buwan para sa adopt-a-caretaker program para sa Marikina Watershed program.

“Maraming salamat sa inyong lahat. Ang inyong tulong ay bumubuhay sa pag-asa ng Marikina na muling maisasaayos ang ating watershed na kaila­ngang tamnan ng 28 mil­yong puno upang maging epektibong pandepensa laban sa mapaminsalang baha,” wika ni Marikina Ma­yor Del De Guzman.

Kabilang naman sa mga donors ang Rizal Metro Lions Club, Uratex,Philexport, Marikina Valley Host Lions Club, Security Bank, Deloitte, Asalus/Intellicare, Motolite, Cresto, at ALC.

ACIRC

ANG

ANGEL AQUINO

APRIL QUIABAO

DEL DE GUZMAN

HONORATO EDNI

IKE JOMAO-AS

JHONREY ROMERO

MARIKINA

MARIKINA CITY

MARIKINA WATERSHED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with