^

PSN Palaro

Pacquiao dumausdos sa No. 8 sa pound-for-pound king rankings

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Imbes na umakyat ng posisyon dahil sa pagreretiro ni Floyd Mayweather Jr. noong Linggo ay dumausdos pa ang puwesto ni Manny Pacquiao sa ‘pound-for-pound’ king ranking ng The Ring Magazine.

Bunga ng kanyang unanimous decision loss kay Mayweather (49-0-0, 26 KOs) noong Mayo 2 at kabiguang makapagpabagsak ng kanyang mga nakaraang karibal ay nasa No. 8 na lamang si Pacquiao sa Top 10 ng nasabing listahan.

Sa pagreretiro ng 38-anyos na si Maywea­ther, tinalo si Andre Berto noong nakaraang Linggo, ay hinirang ng The Ring si World Boxing Council flyweight champion Roman ‘Chocolatito’ Gonzalez ng Nicaragua bilang bagong ‘pound-for-pound’ king.

Nakatakdang hamunin ni dating Fil-Am two-division world champion Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria (36-4-0, 22 KOs) si Gonzalez sa Oktubre 17 sa Madison Square Garden sa New York City.

Bukod kina Gonzalez (43-0-0, 37 KOs) at Pacquiao (57-6-2, 38 KOs), ang iba pang nasa Top 10 ng The Ring ay sina Andre Ward (No. 2), Sergey Kovalev (No. 3), Gennady Golovkin (No. 4), Guillermo Rigondeaux (No. 5), Wladimir Klitschko (No. 6), Terence Crawford (No. 7), Shinsuke Yamanaka (No. 9) at Kell Brook (No. 10).

Sina Crawford (26-0-0, 18 KOs) at Brook (36-0-0, 24 KOs) ay dalawa sa apat na nababanggit na maa­aring labanan ni Pacquiao sa susunod na taon.

Ang dalawa pa ay sina Amir Khan (31-3-0, 19 KOs) at Danny Garcia (31-0-0, 18 KOs).

“Boxing is not my focus because I can only fight next year, to give my shoulder a rest,” sabi ni Pacquiao  sa panayam ng The Guardian. Inoperahan ang kanang balikat ni Pacquiao noong Mayo 7 limang araw matapos ang kanyang kabiguan kay Mayweather.

ACIRC

AMIR KHAN

ANDRE BERTO

ANDRE WARD

DANNY GARCIA

FLOYD MAYWEATHER JR.

GENNADY GOLOVKIN

GONZALEZ

GUILLERMO RIGONDEAUX

KOS

PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with