Gilas hari ng 1st MVP Cup

Nasa larawan ang Gilas Pilipinas na naghari sa 1st MVP Cup nang  walisin ang serye via 3-0 sweep. (JUN MENDOZA)

MANILA, Philippines - Nalaman ni coach Tab Baldwin ang mga kalakasan at kahinaan ng Gilas Pilipinas halos isang linggo bago kumampanya sa 2015 FIBA Asia Championships.

Nang makapagposte ng 20-point lead sa huling anim na minuto ng fourth quarter ay nagrelaks ang Nationals na sinamantala ng mga Taiwanese para makalapit sa 75-83 sa huling tatlong minuto ng laro.

Mabuti na lamang at naisalpak ni Ranidel De Ocampo ang kanyang three-point shot na sinundan ng follow-up ni Calvin Abueva para muling ilayo ang Nationals patungo sa 90-77 paggupo sa Chinese Taipei sa pagwalis sa 2015 MVP Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“We controlled the game, but it’s not a fair gauge of where we are right now,”  sabi ni Baldwin sa inilaro ng kanyang koponan.

Isinara ng Nationals ang naturang four-team pocket tournament sa 3-0 para angkinin ang premyong $25,000 (halos P1.2M).

Nauna nang tinalo ng Gilas ang Talk ‘N Text, 93-77, at ang Wellington Saints ng New Zealand, 84-81.

Ginamit ng Nationals ang three-day, four-team na MVP Cup bilang prepa­rasyon sa 2015 FIBA Asia Championship na nakatakda sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 3 sa Changsa, China.

Ito ang tumatayong regional qualifying meet para sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.

Kaagad  makakasagupa ng Gilas sa FIBA Asia Championship ang Pa­lestine sa Setyembre 23 kasunod ang Hong Kong sa Setyembre 24 at ang Kuwait sa Setyembre 25.

Humakot si No. 1 overall pick Moala Tautuaa ng game-high na 26 points para sa Tropang Texters, habang nagdagdag ng 13 si Larry Fonacier.

Show comments