Gilas hari ng 1st MVP Cup
MANILA, Philippines - Nalaman ni coach Tab Baldwin ang mga kalakasan at kahinaan ng Gilas Pilipinas halos isang linggo bago kumampanya sa 2015 FIBA Asia Championships.
Nang makapagposte ng 20-point lead sa huling anim na minuto ng fourth quarter ay nagrelaks ang Nationals na sinamantala ng mga Taiwanese para makalapit sa 75-83 sa huling tatlong minuto ng laro.
Mabuti na lamang at naisalpak ni Ranidel De Ocampo ang kanyang three-point shot na sinundan ng follow-up ni Calvin Abueva para muling ilayo ang Nationals patungo sa 90-77 paggupo sa Chinese Taipei sa pagwalis sa 2015 MVP Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
“We controlled the game, but it’s not a fair gauge of where we are right now,” sabi ni Baldwin sa inilaro ng kanyang koponan.
Isinara ng Nationals ang naturang four-team pocket tournament sa 3-0 para angkinin ang premyong $25,000 (halos P1.2M).
Nauna nang tinalo ng Gilas ang Talk ‘N Text, 93-77, at ang Wellington Saints ng New Zealand, 84-81.
Ginamit ng Nationals ang three-day, four-team na MVP Cup bilang preparasyon sa 2015 FIBA Asia Championship na nakatakda sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 3 sa Changsa, China.
Ito ang tumatayong regional qualifying meet para sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.
Kaagad makakasagupa ng Gilas sa FIBA Asia Championship ang Palestine sa Setyembre 23 kasunod ang Hong Kong sa Setyembre 24 at ang Kuwait sa Setyembre 25.
Humakot si No. 1 overall pick Moala Tautuaa ng game-high na 26 points para sa Tropang Texters, habang nagdagdag ng 13 si Larry Fonacier.
- Latest