^

PSN Palaro

Dinagit ang Falcons Eagles nakalipad na

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (MOA Arena, Pasay City)

2 p.m.  UST vs UP

4 p.m. La Salle vs FEU

MANILA, Philippines – Naibangon ng Ateneo Eagles ang sarili mula sa masamang panimula nang pabagsakin ang Adamson Falcons, 84-60 sa 78th UAAP men’s basketball kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa ikatlong yugto tumira ang Eagles upang iwanan na ang Falcons at maisan­tabi ang 64-88 pagkakadurog sa FEU Tamaraws sa unang asignatura.

“Our focus for today’s game was how to get back our confidence that was shattered with our loss to FEU. Kiefer (Ravena) deli-vered but what is important is may sumuporta,” wika ni Eagles coach Bo Perasol.

Si Ravena ay nanguna uli sa kanyang 24 puntos mula sa 11-of-17 shoo­ting, kasama ang dalawang triples. Naroroon naman sina Von Pessumal at Aa­ron Black para sa dagdag opensa sa kanilang 12 at 11 puntos.

Ang anak ng dating PBA Best Import at coach nga­yon ng Meralco Bolts sa PBA na si Norman Black ay may kahanga-hangang 3-for-3 sa 3-point line para sa kabuuang 4-of-6 shooting.

May dalawang sunod na triples si Black upang isama sa tig-isang 3-poin­ters nina Pessumal, Ravena at Gwayne Capacio para pasiklabin ang 22-11 palitan para hawakan ang 62-44 kalamangan.

Nagbunga sa pagkaka­taong ito ang pagtitiyaga ng UE Warriors nang paamuin ang nagdedepensang NU Bulldogs, 76-71 sa ikalawang laro.

Hindi nataranta ang Warriors nang naglaho ang 14 puntos kalamangan at sina Edgar Charcos at Paul Varilla ay nagpakawala ng magkasunod na triples para bigyan ang koponan ng 68-63 kalamangan.

Sunod nito ay pinagmas­dan nila ang Bulldogs na nagtala ng tatlong krus­yal na errors para maitabla ng all-Filipino UE team ang karta sa 1-1 at ipalasap sa NU ang ikalawang sunod na pagkatalo.

AdMU 84 – Ravena 24, Pessumal 12, Black 11, Ma. Nieto 9, Pingoy 8, Capacio 7, M. Tolentino 4, Wong 3, Babilonia 2, Cani 2, Mi. Nieto 2, Apacible 0, Gotladera 0, Ikeh 0, A. Tolentino 0, Go 0.

AdU 60 – Sarr 13, Nalos 10, Ochea 8, Tungcab 8, Garcia 7, Polican 7, Capote 4, Margallo 2, Ng 1, Bernardo 0, Camacho 0, Escalambre 0, Villanueva 0.

Quarterscores: 13-16, 34-30, 62-48, 84-60.

ACIRC

ADAMSON FALCONS

ANG

ATENEO EAGLES

BEST IMPORT

BO PERASOL

EDGAR CHARCOS

PASAY CITY

RAVENA

SHY

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with