MANILA, Philippines – Hindi pinayagan ni Mark Brana na makadalawa sa Mapua Cardinals ang Jose Rizal University Heavy Bombers nang makumpleto ang krusyal na three-point play tungo sa 68-67 panalo sa 91st NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Ang 6’4 sentro ay humablot ng offensive rebound sa mintis ni CJ Isit para sa put-back. Sinuwerte pa siya na nakahirit ng foul kay John Pontejos para sa extra free throw para bigyan ng isang puntos kalamangan ang Cardinals sa huling 5.9 segundo.
“He bailed us out. He got the offensive rebound and made the free throw. He was in the right place at the right time,” wika ni Cardinals coach Fortunato Co na sinolo ang ikaapat na puwesto sa 7-5 baraha.
Tila mauulit ang naitalang 90-87 panalo sa first round ng JRU nang naghatid si Teodoro ng 16 puntos sa huling yugto.
Pero isinalba ni Brana ang sitwasyon para maibaon sa limot ang kabiguan sa unang pagkikita na kung saan natalo ang Cardinals kahit lamang ng 18 sa huling yugto.
Inilista naman ng Arellano Chiefs ang ikalimang sunod na panalo gamit ang 97-83 pagdurog sa Lyceum Pirates para solohin ang ikatlong puwesto sa 9-4 baraha.
Mapua 68 – Oraeme 19, Biteng 12, Brana 12, Isit 6, Nimes 6, Nieles 5, Menina 4, Serrano 2, Layug 2, Que 0.
Jose Rizal 67 – Pontejos 21, Teodoro 18, Grospe 8, Sanchez 6, Abdul Wahab 4, dela Paz 4, Cruz 3, Poutouochi 2, Astilla 1, Lasquety 0.
Quarterscores: 17-13; 29-31; 49-42; 68-67.
AU 97 – Jalalon 18, Holts 16, Gumaru 14, Ortega 11, Salado 9, Zamora 8, Bangga 6, Cadavis 5, Meca 4, Nicholla 4, Enriquez 2.
Lyceum 83 – Baltazar 19, Ayaay 16, Nguidjol 13, Marata 10, Bulawan 8, Lugo 4, Alanes 3, Malabanan 2, Soliman 2, Lacastesantos 2, Mbida 2, Elmerjab 2, Sunga 0
Quarterscores: 24-13; 47-32; 75-54; 97-83. (AT)