Gilas ‘di nakaisa sa Iran: Haddadi ibinandera
Laro Ngayon
(Xinchuang Gymnasium)
1 p.m. Philippines vs Wellington Saints
3 p.m. Japan vs South Korea
5 p.m. USA Select vs Taipei B
7 p.m. Taipei A vs Iran
TAIPEI-- Muling ipinarada ng Iran si 7-foot-2 star center Hamed Haddadi mula sa isang one-day rest para gibain ang Gilas Pilipinas, 74-65, sa 2015 Jones Cup kahapon dito sa Xinchuang Gymnasium.
Hindi pinaglaro si Haddadi sa kanilang naunang laban sa USA Select-Overtake.
Humakot si Haddadi ng 22 points at 15 rebounds para sa pang-limang panalo ng mga Iranians sa anim na laro sa kanilang rematch ng Nationals matapos noong 2013 FIBA Asia championship game.
Nalasap naman ng Gilas Pilipinas ang kanilang ikalawang kabiguan sa limang asignatura.
Kumpiyansa sina Iranian coach Dirk Bauermann at Gilas mentor Tab Baldwin na gaganda pa ang kanilang mga laro bago ang 2015 FIBA Asia Championships sa Changsha, China.
Tinukoy ni Bauermann ang hindi pa rin paglalaro ni naturalized player Andray Blatche para sa Gilas, habang binanggit ni Baldwin si Samad Bahrami bilang isa pang kamador ng Iran.
Si Bahrami ay may minor injury at nagpapagaling sa Tehran, Iran.
Hindi nakayanan ng Gilas sina Haddadi, forwards Hamed Afagh at Mohammad Jamshidi at guards Farrid Aslani at Mahdi Kamrani.
Matapos makadikit sa 61-65 sa 3:41 minuto ng fourth quarter ay hindi na nakaiskor ang Nationals sa loob ng tatlong minuto.
Nagsalpak si Jamshidi ng tres at umiskor so Haddadi para selyuhan ang panalo ng Iranians.
Nagkaroon si Terrence Romeo ng left ankle sprain sa third quarter, ngunit ibinalik ni Badlwin sa huling 2:43 minuto sa final canto.
Nagtala ang 42-anyos na si Asi Taulava ng 12 points at 8 rebounds.
Iran 74 - Haddadi 22, Afagh 13, Farid 9, Jamshidi 9, Kamrani 7, Mohammad 5, Davarpan 4, Davari 2, Kardoust 2.
Gilas 65- Taulava 12, Intal 10, Castro 10, Romeo 8, Tautuaa 7, Abueva 6, Pingris 4, Hontiveros 3, Norwood 2, Ganuelas Rosser 2, Thoss 1, De Ocampo 0.
Quartescores: 17-14; 34-31; 54-47; 74-65.
- Latest