Racal Motors, Aguilas bagong miyembro sa ABL
MANILA, Philippines – Hindi lamang isa kundi dalawang koponan mula Pilipinas ang sasali sa ASEAN Basketball League (ABL) na ang pang-anim na edisyon ay magsisimula sa Oktubre.
Pormal na ipinakilala ang Pacquiao Powervit Pilipinas Aguilas at Racal Motors Alibaba.com bilang dalawa sa tatlong bagong koponan sa ABL sa press conference na ginawa kamakalawa sa Berjaya Hotel sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Pitong koponan ang maglalaban-laban at ang Mono Vampire Basketball Club ang isa pang bagong koponan mula Thailand.
Lalabas na ang Pilipinas at Thailand ay magkakaroon uli ng tig-dalawang koponan dahil makakasama ng Vampires ang Hi-Tech Bangkok City na isang two-time champion ng ABL.
Ang iba pang dating koponan na magbabalik ay ang Westports Malaysia Dragons, Singapore Slingers at Saigon Heat.
Ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao kasama ang mga negosyanteng sina Mark Chiong at Rolando Navarro Jr. ang tatayong team owners ng Aguilas na ang homecourt ay sa Mindanao habang ang Racal Motors na dating naglalaro sa PBA D-League ay sa Bocaue, Bulacan ang home court.
Lalabas na ang Aguilas at Racal Motors ang ikatlo at apat na koponan mula Pilipinas matapos ang Philippine Patriots na pag-aari ni Globalport Mikee Romero at ang San Miguel Beermen.
Ang Patriots at Beermen ay nagkampeon din sa regional basketball league noong 2009 at 2013 edisyon bagay na nais na ulitin ng dalawang bagong Philippine teams sa 2015-16 season.
- Latest