^

PSN Palaro

Quirino to Quirino motorbike kasado na

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang naiibang road trip ang magpapasinaya sa espesyal na three-day motorcycle event simula sa Set­yembre 11 para ipag­diwang ang ika-125 ka­­arawan ni dating Pangulong Elpidio Quirino at ang pang-44 founding anniversary ng Quirino Province.

Magkikita-kita sa event na tinaguriang “Quirino to Quirino (Q2Q)” ang mga motorcycle enthusiasts sa Quirino Grandstand sa Luneta at babagtasin ang kabuuang 350 kilometro patungo sa Quirino Pro­vince na pamamahalaan ang annual Governor Junie E. Cua Motocross Cup.

Ang nasabing event ay inilunsad kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate na pinangunahan nina Cua at Cory Quirino, ang trustee at president ng Elpidio Quirino Foundation.

“This is going to be the beginning of a tradition in honor of a President who led us and gave us legacies to remember,” sabi ni Cua sa Pangulong Quirino na nagsimula bilang isang barrio teacher para maging pinakamakapangyarihang Filipino noong 1948 hanggang 1953.

Ang okasyon ay hindi lamang para gunitain ang kaarawan ng dating Pa­ngulong Quirino kundi para alalahanin ang kanyang mga ideyalismo at prin­sipyo.

ACIRC

ANG

CORY QUIRINO

CUA

CUA MOTOCROSS CUP

ELPIDIO QUIRINO FOUNDATION

GOVERNOR JUNIE E

PANGULONG ELPIDIO QUIRINO

PANGULONG QUIRINO

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION

QUIRINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with