Altas, Chiefs magpipilit bumangon
Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)
10 a.m. Arellano vs St. Benilde (Jrs)
12 nn Perpetual Help vs Lyceum (Jrs)
2 p.m. Arellano vs St. Benilde (Srs)
4 p.m. Perpetual Help vs Lyceum (Srs)
MANILA, Philippines – Magsisikap ang Perpetual Help Altas at Arellano Chiefs na bumalikwas agad mula sa pagkatalo sa huling laro para hindi mawala sa kinalulugarang puwesto sa pagpapatuloy ng 91st NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Naudlot ang hangarin na dikitan pa ang mga nangungunang San Beda Red Lions at Letran Knights nang atalo sa host Mapua Cardinals, kasukatan ng Altas ang inspiradong Lyceum Pirates sa ikalawang laro na magsisimula matapos ang pagtutuos ng Chiefs at St. Benilde Blazers sa-2 ng hapon.
Dumapa ang Chiefs sa JRU University Heavy Bombers sa huling asignatura para magsalo ang dalawa sa mahalagang ikaapat na puwesto habang nasa unang dalawang puwesto ang 5-time defending champion San Beda at Letran sa magkatulad na 9-2 baraha.
Masaklap na 112-114 double-overtime pagkatalo ang nangyari sa Chiefs sa Heavy Bombers dahil sa pagkakamali ng game officials sa bulso ni Bernabe Teodoro.
Natalo ang Altas sa Cardinals, 65-70, sa huling asignatura matapos mangapa si Earl Scottie Thompson sa kanyang porma na gumawa lamang ng 5-of-18 shooting.
- Latest