^

PSN Palaro

Perlas tinambakan ang Sri Lanka

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Gumamit ang Perlas Pilipinas ng eksplosibong laro sa ikalawang yugto para kunin ang ikalawang sunod na panalo sa 2015 FIBA Asia Women’s Championship Level II gamit ang 65-45 dominasyon laban sa Sri Lanka kahapon sa Wuhan, China.

Isang 17-0 bomba ang pinakawalan ng National women’s team para tulu­yan nang iwanan ang Sri Lan­kans tungo sa 2-1 karta at saluhan pa rin sa ikalawang puwesto ang Malaysia.

Matatandaan na natalo ang Pilipinas sa Malaysia sa unang laro, 64-71, pero bumangon ang Pambansang koponan sa mahirap na 68-67 tagumpay sa North Korea kamakalawa.

Tumapos si Shelley Ann Gupilan ng 15 puntos na kinuha mula sa limang triples.

Dalawang tres ang ginawa niya sa pamatay na run para maisantabi ang 14-14 iskor sa unang yugto.

Ang mga beteranang sina Merenciana Arayi at Camille Sambile ay may tig-9 puntos at si Arayi ay may anim na steals pa at si Sambile ay humablot pa ng 9 rebounds bukod sa 3 steals at 2 blocks kahit hindi starter.

Inaasahang wala ring problema ang Nationals sa pag-asinta sa ikatlong sunod na panalo dahil kalaban nila ang Hong Kong ngayong umaga.

Ang single-round elimination ay magtatapos sa Miyerkules at huling asignatura ng Pilipinas ay ang malakas na Kazakhstan.

Kailangang manalo ang bansa sa Kazakhs para magkaroon pa ng tsansang malagay sa u­nang dalawang puwesto na haharapin ang dalawang mangungulelat na koponan sa Level I upang madetermina kung sino ang aakyat sa Level I sa 2017 edisyon.

ACIRC

ANG

ASIA WOMEN

CAMILLE SAMBILE

CHAMPIONSHIP LEVEL

HONG KONG

LEVEL I

MERENCIANA ARAYI

NORTH KOREA

PERLAS PILIPINAS

PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with