^

PSN Palaro

Marcial umabante sa 2nd round

Pilipino Star Ngayon

BANGKOK-- Sa kanyang mas mahabang braso at solidong kredensyal ay ganap na dinomina ni Filipino bantamweight Eumir Felix Marcial si Uulu Erkinbek Bolotbrk ng Kyrgyzstan sa pagsisimula ng ASBC Asian Boxing Championships kahapon dito sa Thammsat University Gymasium.

Kinuha ng 19-anyos na si Marcial ang malinis na 3-0 panalo laban kay Bolotbrk para umabante sa second round ng kanyang dibisyon.

“First sparring,” sambit ni Marcial, ang gold me­dalist noong 2011 World Junior Championships at sa nakaraang 2015 SEA Games.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng five-man squad ng Association of Boxing Alliances in the Philippines matapos ang 3-0 tagumpay ni bantamweight Mario Fernandez, ang gold medalist sa 2015 SEA Games, kay Reza Korzbori ng Iran.

Susunod na makaka­harap ni Marcial ay si se­cond seed Israil Madrimov ng Uzbekistan sa round-of-16 bukas, habang lalabanan ni Fernandez si Kairat Yeraliyev ng Kazakhstan.

Ang top six o seven bo­xers sa bawat 10 weight classes ang aabante sa AIBA World Championships sa Doha, Qatar sa Oktubre kung saan naman pag-aagawan ang mga tiket sa 2016 Rio Olympics.

ACIRC

ANG

ASIAN BOXING CHAMPIONSHIPS

ASSOCIATION OF BOXING ALLIANCES

EUMIR FELIX MARCIAL

ISRAIL MADRIMOV

KAIRAT YERALIYEV

MARCIAL

MARIO FERNANDEZ

REZA KORZBORI

RIO OLYMPICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
10 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with