MANILA, Philippines – Kung ama ni Los Angeles Lakers guard Jordan Clarkson ang tatanungin, hindi maglalaro ang kaniyang anak sa Philippine national basketball team.
Sinabi ni Mike Clarkson na hindi maganda ang timing ng paglalaro ni Jordan sa Gilas Pilipinas dahil magsisimula na rin ang NBA.
"Having Jordan participate with the Gilas in 2015 isn't a logical or sound business decision as he enters into this important NBA contract year,” ani ng nakatatandang Clarkson sa isang e-mail.
“As you know in professional sports, timing is of the essence especially when managing a players' career,” dagdag niya.
Nasa bansa si Jordan ngayon kung saan kagabi ay dumalo siya sa ensayo ng Gilas Pilipinas para sa 2015 FIBA Asia Championship na gaganapin sa susunod na buwan.
Kabilang si Jordan sa 24-man pool ni Coach Tab Baldwin para sa national team, kung saan nakumpirma na rin ng Samahang Basketball ng Pilipinas na mayroon ang Los Angeles Lakers guard na Philippine passport.
Sa pagpasok ni Jordan sa panibagong season ng NBA ay isa siya sa mga tinututukan dahil sa maganda niyang performance nitong nakaraang season at nitong summer league.
“Unfortunately, the timing couldn't be worse as he prepares for rigors of the upcoming 2015-2016 NBA season and heightened performance expectations.”