^

PSN Palaro

Katatagan itataya ng Knights, Lions

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itataya ng Letran at San Beda ang kanilang inookupahang puwesto sa pagbubukas ngayon ng 91st NCAA men’s basketball second round elimination sa The Arena sa San Juan City.

Ang Red Lions ay maki­ki­paglaro sa Emilio Aguinaldo College Gene­rals sa ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng pagtutuos ng Knights at San Sebastian Stags sa alas-4.

Solo sa unang puwesto ang tropa ni coach Aldin Ayo sa 8-1 karta habang ang bataan ni coach Jamike Jarin ay may 7-2 baraha at kasalo ang pahingang Perpetual Help Altas sa ikalawang puwesto.

Tinalo ng San Beda at Letran ang mga katunggali pero determinado ang Generals at Stags na ma­kabawi para magpatuloy sa paghahangad na makapasok sa semifinals kahit ngayon ay nasa four-way tie kasama ng St. Benilde Blazers at Lyceum Pirates sa huling puwesto sa 2-7 marka.

Sina Rey Nambatac, Mark Cruz at Kevin Racal na naghahatid ng 18, 14 at 10.5 puntos ang mga mangunguna uli pero asahan ang suporta ng bench sa pamumuno nina Jomari Sollano at Kier Quinton na nagbigay ng 10 puntos kada laban sa first round.

Sa kabilang banda, ang Stags ay tiyak na pamumunuan ni Bradwyn Quinto na tulad ni Racal ay ilan sa mga napili mula sa NCAA sa PBA Drafting noong Linggo.

Galing ang San Beda  sa pagkatalo sa Arellano sa huling laro, 84-88, at magla­laro sila ngayon ng hindi kasama si Ola Adeogun na sinuspindi ng liga matapos basagin ang salamin na pintuan ng locker room sa huling laro. Pinagbabayad din ang paaralan sa naging danyos.

ACIRC

ALDIN AYO

ANG

ANG RED LIONS

BRADWYN QUINTO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENE

JAMIKE JARIN

JOMARI SOLLANO

KEVIN RACAL

KIER QUINTON

SAN BEDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with