Jordan Clarkson ng LA Lakers posibleng makalaro sa Gilas

Los Angeles Lakers’ guard Jordan Clarkson. AP File photo

MANILA, Philippines – Malaki ang tsansang makalaro ang sumisikat na Los Angeles Lakers’ guard na si Jordan Clarkson sa Gilas Pilipinas, ayon sa isang opisyal ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Kinumpirma ni SBP Executive Director Sonny Barrios na mayroong Philippine passport si Clarkson na isang Filipino-American citizen.

"Yes (Clarkson has a Philippine passport). He arrived in May using his Philippine passport and he will use it again this time," banggit ni Barrios sa Philstar.com habang hinihintay ang pagdating ng NBA star sa Pilipinas ngayong Lunes.

May nakatakdang pirmahang endorsement si Clarkson sa kaniyang pangalawang pagbisita sa Pilipinas.

Unang pumunta ng Pilipinas ang Lakers guard nitong Mayo kasama si Utah Jazz point guard Trey Burke para sa tatlong araw na promotional tour ng NBA.

Umaasa si Barrios na makakasama si Clarkson sa national basketball team at mapapabilang sa mga lalahok sa William Jones Cup sa Taipei.

 

Show comments