Tigresses nilapa ang Lady Chiefs
Laro sa Sabado (The Arena, San Juan City)
12:45 p.m. – UP vs UST
3 p.m. – St. Benilde vs NU
MANILA, Philippines – Naibalik ng UST Tigresses ang naunang mainit na laro para manatiling nakasalo sa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto mula sa 25-21, 25-22,19-25, 24-26, 15-12 panalo sa Arellano Lady Chiefs sa quarterfinals ng Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Tumapos si Ennajie Laure taglay ang 23 puntos at ang 20 dito ay mga kills, tampok ang huling dalawang puntos ng Tigresses para umangat sa 3-1 karta sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog pa ng PLDT Home Ultera.
Malaki rin ang papel sa panalo ng team captain na si Pamela Lastimosa na gumawa ng 18 puntos, tampok ang mga cross-court kills na sumira sa ginawang pagbangon ng Lady Chiefs sa huling set para sa 2-2 karta.
“Ibinalik lang namin ang mga naunang galaw namin sa court noong nakuha namin ang first two sets.” wika ni Laure na humataw ng dalawang aces at isang block sa labanan.
Tumapos si Lastimosa taglay ang 14 kills at tatlong blocks tungo sa 18 puntos, habang sina Chlodia Cortez at Marivic Meneses ay may 14 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Patuloy na ibinibigay ni Chlodia ang numerong inaasahan kay Carmela Tunay na may injury dahil may siyam na attack points siya bukod sa tig-dalawang blocks at aces.
Bago ito ay dinurog ng nagdedepensang FEU Lady Tamaraws ang St. Benilde Lady Blazers, 25-21, 25-6, 25-17, para ilista ang 3-1 karta.
May 10 at 9 kills sina Bernadeth Pons at Honey Royce Tubino, ayon sa pagkakasunod, para higitan ang15 atttack points ng Lady Blazers na sinamahan ang UP Lady Maroons sa huling puwesto sa 0-4 baraha.
- Latest