^

PSN Palaro

Petecio tumiyak ng bronze

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinalba ni Nesthy Petecio ang kampanya ng Pilipinas sa ASBC Asian Women’s Boxing Championships nang tiyakin ang bronze medal sa kompetisyong ginagawa sa Wu­lanchabu, Inner Mongolia.

Naiwang mag-isa na lamang na balikatin ang laban nang matalo ang tatlong iba pang lahok ng ABAP, hindi binigyan ni Petecio nang anumang pagkakataon si Kawano Sana ng Japan gamit ang kanyang mababangis na kumbinasyon tungo sa  40-36, 40-36, 40-34 unanimous decision panalo sa quarterfinals sa bantamweight division.

Ang semifinals ay ga­ga­win ngayon at kalaban ng World Championships at Singapore SEA Games silver medalist na si Petecio si Maisnam Meena Kumari Devi ng India na ginulat ang pambato ng China na si Liu Piaopiao sa pamamagitan ng split decision.

Dalawang hurado ang pumabor sa Indian lady pug sa magkatulad na 39-37 iskor habang ang isang hurado ay pumanig kay Liu, 39-37.

Pahinga ang aksyon nitong Martes at tiyak na ginamit ito nina coaches Roel Velasco at Mitchel Martinez para maihanda si Petecio nang husto.

Nauna nang namaalam sina Josie Gabuco, Irish Magno at Riza Pasuit nang Matalo sila sa quarterfinals.

ACIRC

ANG

ASIAN WOMEN

BOXING CHAMPIONSHIPS

INNER MONGOLIA

IRISH MAGNO

JOSIE GABUCO

KAWANO SANA

LIU PIAOPIAO

MAISNAM MEENA KUMARI DEVI

PETECIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with