^

PSN Palaro

Kampo ni Floyd muling nagpatutsada kay Pacquiao

RussellCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Idinepensa ng kampo ni Floyd Mayweather Jr. ang pagpili nito kay Andre Berto para sa sinasabing huli niyang laban kasabay ng pagpaparinig kay Manny Pacquiao.

Sinabi ni Leonard Ellerbe, ang Chief Executive Officer ng Mayweather Promotions na kumpara kay Pacquiao ay hindi magre­reklamo ng anumang injury si Berto.

“We know, in fights like that, that Berto isn’t going to sit back, and we know he isn’t going to be complaining about his shoulder. We’ve done seen him fight with one arm,” pagkukumpara ni Ellerbe.

Matatandaang tinalo ni Mayweather si Pacquiao via unanimous decision noong Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sinabi ng Filipino world eight-division champion na nagkaroon siya ng right shoulder injury sa fourth round ng kanilang upakan ni Mayweather kaya hindi niya ito napabagsak.

Sumailalim si Pacquiao sa surgery noong Mayo 7 at inaasahang makakabalik sa aksyon sa Pebrero o Marso ng susunod na taon.

Marami naman ang tumuligsa sa pagpili ni Mayweather kay Berto, dating world welterweight titlist at naipatalo ang tatlo sa kanyang huling anim na laban.

Nakatakda ang laban nina Mayweather at Berto sa Sept.  12 sa MGM Grand.

ANDRE BERTO

BERTO

CHIEF EXECUTIVE OFFICER

FLOYD MAYWEATHER JR.

LAS VEGAS

LEONARD ELLERBE

MAYWEATHER

MAYWEATHER PROMOTIONS

PACQUIAO

SINABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with