Lions, Altas nagpakatatag pa

 

Laro Ngayon

 

(The Arena, San Juan City)

8 a.m. SSC vs Lyceum (Jrs)

10 a.m. EAC vs Letran (Jrs)

12 nn. SSC vs Lyceum (Srs)

2 p.m. EAC vs Letran (Srs)

4 p.m. Mapua

 vs St. Benilde (Srs)

6 p.m. Mapua

vs St. Benilde (Jrs)

 

MANILA, Philippines - Nagsanib-puwersa ang mga starters ng nagdedepensang San Beda na sina Arthur dela Cruz, Roldan Sara at Ola Adeogun sa huling yugto para ipatikim sa Jose Rizal University ang  88-69  kabiguan sa 91st NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Umabot sa 20 puntos ang pinagsaluhan ng tatlong nabanggit na players para tulungan ang Red Lions na dominahin ang naturang yugto, 30-15 at maisantabi ang pagdikit ng Heavy Bombers sa 62-58.

Ang panalo ay nagpatatag sa Lions sa ikalawang puwesto taglay ang 6-1 baraha, habang nalaglag naman ang Bombers sa 4-3 kartada.

Nag-init si Bright Akhuetie sa huling yugto para tapusin ng Perpetual Help Altas ang dalawang sunod na pagkatalo sa 76-66 panalo sa Arellano Chiefs sa isa pang seniors game.

Ang 6’6 na si Akhuetie ay gumawa ng 31 puntos at 16 rito ay sa huling yugto para makakawala ang Altas matapos ang 56-all tabla.

“Kailangan namin na ma­nalo dahil kung hindi ba­baba na kami sa fifth place,” ani Altas coach Aric del Rosario.

May 11puntos, 16 rebounds, 7 assists at 1 steal si Earl Scottie Thompson para sa Altas na nanatiling matibay sa No. 3 spot ta­ngan ang 5-2 baraha.

Samantala, pinatawan  ng one-game suspensions sina Mapua Cardinals coach Fortunato “Atoy” Co at Letran Knights mentor Aldrin Ayo dahil sa di magandang inasta sa huling mga laro.

May awtomatikong one-game suspension si Co matapos tawagan ng magkasunod na technical fouls sa laro laban sa Lyceum Pirates habang si Ayo ay suspendido bunga ng paghagis ng isang silya patungo sa dugout bilang pagprotesta sa ikalimang foul ni McJour Luib sa naipanalong laro laban din sa Pirates.

Show comments