^

PSN Palaro

Harden inalok ng $200M para sa sponsorship deal sa Adidas

Pilipino Star Ngayon

HOUSTON – Nagsu­mite ang Adidas ng bid na $200 milyon sa loob ng 13 taon para sa sponsorship deal kay Rockets guard James Harden.

Natapos na ang sponsorship deal ni Harden sa Nike kamakailan at may isang linggo pa sila para ta­patan ang alok ng Adidas sa NBA superstar.

Binitawan ng Adidas ang kanilang uniform deal sa NBA matapos mag-alok ang Nike ng $1 billion bid no­ong Hunyo para sa 2017-18 season.

Sa Miami, pinapirma ng Miami Heat si guard Josh Richardson sa kanyang roo­kie contract.

Pumayag si Richardson sa naturang kasunduan no­ong nakaraang linggo at ka­hapon ay nilagdaan niya ang kontrata sa Heat.

Tatanggap siya ng $2.5 milyon sa loob ng tatlong ta­on mula sa 2016-17 hanggang 2017-18 season.

Nakuha si Richardson sa second round ng naka­raang NBA Draft bilang No. 40 overall matapos ang four-year college career sa Tennessee.

Naglalaro siya bilang point guard at wingman pa­ra sa Heat sa nakaraang mga NBA Summer League sa Orlando at Las Vegas .

Nagposte si Richardson ng average na 11.8 points.

Natunghayan siya sa 10 summer games para sa Miami.

Sa Denver, inayos ng Nuggets ang kontrata ni forward Danilo Gallinari para papirmahin sa multi-year con­tract extension.

Nauna nang naihayag na pinapanalisa ng Nuggets ang two-year contract extension ni Gallinari na magbibigay sa kanya ng $34 milyong suweldo hanggang sa 2017-2018 season.

Sa Minnesota, opisyal nang maglalaro si vete­ran guard Andre Miller sa Tim­berwolves matapos lu­magda ng kontrata.

Ang kontrata ni Miller sa Minnesota ay inaasa­hang one-year deal para sa veteran minimum.

ACIRC

ADIDAS

ANDRE MILLER

ANG

DANILO GALLINARI

JAMES HARDEN

JOSH RICHARDSON

LAS VEGAS

MIAMI HEAT

SA DENVER

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with