MANILA, Philippines - Bubuksan na ang pagpapatala para sa 2015 Shell National Youth Active Chess Championship Southern Mindanao leg.
Ang fourth regional qualifier ay isusulong sa Agosto 8 at 9 sa SM City Annex Event Center sa Davao City.
Ang event ay ang huling yugto ng weekend-tournaments sa region ng nagtataguyod na Pilipinas Shell, naniniwala sa mga chess talents sa Mindanao.
Para sa mga detalye ay maaaring tumawag kay tournament director Alex Dinoy sa 0918-3705750.
Ang mga players ay maaari ring mag-download ng registration forms sa www.shell.com.ph/shell_chess.
“We continue to innovate on our Shell Active Chess program to help improve the skills of our chess players,” sabi ni Jackie Ampil, Social Investment Manager ng Pilipinas Shell. “We hope this will prepare them to become better players. This year, we have narrowed the age gaps by creating a third division to even out the playing field. This is in line with our objective to develop stronger chess players who may eventually represent the country in major international competitions.”
Ang pagdaraos ng three-category tournament sa unang pagkakataon ay nagbigay sa mga players ng tsansang maipakita ang kanilang mga talento.