^

PSN Palaro

Orcollo nagkampeon sa US Open 8-Ball

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanumbalik ang husay ni Dennis Orcollo para tanghaling kampeon sa US Open 8-ball Championship  sa Rio sa Las Vegas.

Makulay ang ginawang kampanya ng 36-anyos na gold medalist sa 9-ball sa Singapore SEA Games noong Hunyo nang makabangon sa pagkatalo kay Shane Van Boening, 2-9, sa unang laro upang maitala ang pangalawang panalo ngayong 2015.

Si Mike Dechaine na na­nguna sa winner’s bracket ang nakaharap ni Orcollo sa race-to-11 finals at hindi nawala ang katatagan ng Filipino cue-artist nang kanyang isinatabi ang 0-4 agwat para angkinin ang 11-9 panalo.

Tinapos ng tubong Bislig, Surigao del Sur ang la­­banan sa pagpanalo sa huling apat na racks upang matabunan ang 7-9 iskor.

Halagang $11,000 ang premyong nakuha ni Orcollo para maiakyat din sa $42,404.00 ang kinita nga­yong taon.

May $7,000 gantimpala si Dechaine. (AT)

ACIRC

ANG

BISLIG

DECHAINE

DENNIS ORCOLLO

HALAGANG

HUNYO

LAS VEGAS

ORCOLLO

SHANE VAN BOENING

SI MIKE DECHAINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with