Parks maghihintay ng offers sa NBA

MANILA, Philippines - Sa halip na lumahok sa darating na 2015 PBA Rookie Draft sa Agosto 23 ay mas minabuti ni Bobby Ray Parks, Jr. na hintaytin ang alok ng tatlong NBA teams na nagpa­ramdam ng interes sa kanya.

Kukumpirmahin pa ng kampo ng 6-foot-4 na si Parks ang intensyon sa kanya ng nasabing tatlong NBA squads na isama siya sa training camp.

Sumalang ang anak ni seven-time PBA Best Import Bobby Parks para sa Dallas Mavericks sa nakaraang NBA Summer League sa Las Vegas, Nevada.

Sa kanyang anim na laro sa Summer League ay nagposte ang 22-anyos na si Parks ng mga averages na 3.0 points, 1.7 rebounds, 0.2 assists, 0.8 steals at 0.2 blocks.

Sa halip na si Parks ay kinuha ng Mavericks si dating Globalport import Jarrid Famous, isang 6’11 center, mula sa Summer League.

Show comments