^

PSN Palaro

Rowing at table tennis hindi na hihirit ng tiket para sa 2016 Rio Olympics

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na maghahabol ng upuan ang mga National Sports Association (NSA) sa rowing at table tennis para sa 2016 Rio Olympic Games.

Ang mga NSAs sa canoe, cycling, badminton, golf at fencing ay hindi pa tu­mutugon sa mga requirements at mga plano sa mga atletang nais isali sa mga gaganaping Olympic qualifiers ayon sa grupong itinalaga ng POC para tulungan ang mga aso­sasyong may tsansang ma­kalaro sa Olympics.

Ang rowing at table tennis ay nagsabi na wala silang mga atletang puwe­deng ipasok sa mga Olympic qualifying kaya’t hindi na sila kasama.

“Sa ngayon ay 21 NSAs ang kasama sa lis­ta­­han pero lima pa ang hin­­di tumutugon sa mga hi­nihingi naming requirements,” wika ni POC chair­man Tom Carrasco, Jr., kasapi ng Rio Games Committee.

Tanging si Fil-Am Eric Cray sa 400m hurdles sa athletics pa lamang ang nakatiyak ng puwesto sa Rio Olympics, habang ang iba ay magsisimulang sumali sa mga qualifying tournament sa mga susunod na buwan hanggang sa Mayo ng 2016.

Nasa 120 ang atletang ipinatala ng 16 NSAs ngu­nit mababawasan pa ito lalo na kung magsisimula na ang mga qualifying tournaments para sa Rio Games.

Ang mga nagpasa na ng kanilang mga doku­men­to ay ang athletics, shooting, judo, tennis, weightlifting, gymnastics, aquatics, archery, boxing, taekwondo, basketball, rugby, equestrian, sailing, triathlon at wrestling.

“This is the initiative of POC president Jose Cojuangco Jr. to make sure that the NSAs na may pang­laban ay matutulu­ngan para dumami ang mga atleta natin na magla­la­ro sa Rio Games. Wala tayong pinag-uusapan dito na medalya dahil ang goal natin ngayon ay makapagpasok ng maraming atleta,” dagdag ni Carrasco.

Sinabi naman ni Cojuangco na lalapit siya sa mga kaibigan at sa PSC para bigyan ng dagdag na pondo ang mga atletang may tsansang manalo ng medalya mula sa 2016 Rio Olympics.

Itutulak din niya na ku­muha ng mga foreign coa­ches ang mga NSAs.

ACIRC

ANG

FIL-AM ERIC CRAY

JOSE COJUANGCO JR.

MGA

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

RIO GAMES

RIO GAMES COMMITTEE

RIO OLYMPIC GAMES

RIO OLYMPICS

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with