Milo Checkmate Saturdays-only clinics

MANILA, Philippines – Inihayag ng Metropolitan Chess Club na ang apat na serye ng Milo Checkmate Satudays-only clinics ay idaraos  sa limang lugar sa Metro Manila.

Ang nasabing mga­ ve­nues at oras ay ang mga sumusunod:  San Sebastian College-Recoletos Manila grade school (8-11am); Starmall Edsa Shaw 2F event area sa Mandalu­yong (10am-1pm); Alabang Town Center promenade area sa Muntinlupa (2:30-5:30pm); Maricaban Elem. School sa Pasay City (8am-3pm) at Kinderville Lear­ning Center (KLC) sa Retiro (8:30am-5pm).

Ang mga kursong inia­alok ay para sa beginners, intermediate at advance players. Ang advance cour­ses ay gaganapin sa sa isang venue lamang sa KLC.

Nakatakda ang iba pang weekend chess classes sa iba pang  public schools--sa Pilar Village Elem. School at G. Gatchalian Elem. School sa Las Piñas; La Huerta Elem. School sa Parañaque; Sucat Elem. School sa Muntinlupa City; Panghulo Elem. School sa Malabon; Mandaluyong Elem. School sa Mandalu­yong; at tatlong paaralan sa Manila-Lakandula Elem. School; P. Burgos Elem. School at  Dr. Jose P. Rizal Elem. School.

Para sa detalye ang interesadong lumahok ay tumawag lang sa MCC at 0922-822-6319 and 0935-370-8808.

Show comments