Haywood at Miller dinala ng Cavs sa Trail Blazers
CLEVELAND – Dinala ng Cavaliers sina Brendan Haywood at Mike Miller sa Portland Trail Blazers para makuha ang pinagsamang $13 million-plus sa trade exceptions, pagbubunyag ng league sources sa Yahoo Sports.
Magkakaroon ang Cavaliers ng dalawang magkahiwalay na trade exceptions – ang $10.5 milyon at ang $2.85 milyon.
Magagamit ng Cavaliers ang isang trade exception para makakuha ng player.
Makakasama ang naturang kontrata ng player sa salary cap, ngunit hindi ito makakaapekto sa luxury tax payments.
Ang pakikipagkasundo sa Trail Blazers ang nagresulta sa pagkatipid ng Cavaliers ng halos $10 milyon sa salary antluxury tax payments.
Si Haywood ay may non-guaranteed $10.5 million contract na maaaring bitawan ng Blazers na hindi sila maglalabas ng pera.
May $2.85 millyon pa si Miller para sa kanyang final year ng kontrata niya.
Sinasabing itutulak ni Miller ang buyout sa kanyang kontrata sa Blazers para maging isang free agent.
Umabot na sa higit $100 milyon ang payroll ng Cleveland at hindi pa kasama rito ang pakikipagkasundo kay restricted free agent Tristan Thompson, maaaring tumanggap ng $13 milyon bawat taon.
Bilang bahagi ng kasunduan ay makukuha ng Blazers ang second-round picks ng Cavaliers mula sa Los Angeles Lakers at Minnesota Timberwolves bukod pa sa 2020 second-round pick ng Cleveland.
Ang 35-anyos na si Miller ay nagtala ng average na 2.1 points para sa Cavaliers sa nakaraang 2014-15 season.
Sa kanyang 15 NBA seasons, nagposte si Miller ng average na 11 points.
- Latest