Butler pumirma sa Kings
SACRAMENTO, Calif. --Dahil sa kanyang pagiging 13-year veteran, kinuha ng Sacramento Kings si forward Caron Butler.
Ang kontrata ng 35-anyos na si Caron ay dalawang taon at nagkakahalaga ng $3 milyon na may player option sa second season.
Kumamada si Butler ng mga averages na 5.9 points at 2.5 rebounds para sa Detroit sa nakaraang season.
Si Butler ay may mga averages na 14.3 points at 5.1 rebounds sa kanyang 13-year career para sa Miami Heat, Los Angeles Lakers, Washington Wizards, Dallas Mavericks, Los Angeles Clippers, Milwaukee Bucks, Oklahoma City Thunder at Pistons.
Siya ang 10th overall ng Heat noong 2002.
Sa Dallas, pinapirma ng Mavericks si rookie free agent Maurice Ndour ng Senegal.
Nagtala ang 6-foot-9 na si Ndour ng mga averages na 9.6 points at 4.8 rebounds sa limang laro niya sa Summer League team ng New York Knicks.
Naglista si Ndour ng mga averages na 16 points, 8.3 rebounds at 2.3 blocks per game bilang senior player sa nakaraang season sa Ohio University.
- Latest