Webb kukuha ng ilang aspeto sa ‘Triangle Offense’ ni Cone
MANILA, Philippines - Kamakalawa ay opisyal na siyang hinirang bilang kapalit ni two-time Grand Slam champion coach Tim Cone sa bench ng Star Hotshots para sa darating na 41st season ng PBA.
Hindi niya inisip na isang araw ay siya na ang gagabay sa Hotshots mula sa pagiging assistant ni Cone, inilipat ng San Miguel Corporation sa Barangay Ginebra, simula noong nakaraang taon.
“Ang bilis ng pangyayari,” sambit ni Webb, anak ni dating Sen. Freddie Webb na naging mentor ng Tanduay at Shell sa PBA noong 1980’s.
Ang 6-foot-2 na si Webb ay isang big guard na naglaro para sa La Salle Green Archers sa UAAP at isang six-year PBA player na kumampanya para sa Sta. Lucia at Tanduay.
Sa kanyang pagpasok sa Star ay sinabi ng 41-anyos na si Webb na hindi niya lubusang gagamitin ang ‘Triangle Offense’ ng 57-anyos na si Cone na nagbigay sa American mentor ng 18 PBA titles kung saan ang 13 dito ay sa Alaska at ang huling lima ay sa Purefoods/San Mig Coffee.
“When I come in, whatever I’m gonna do is gonna be true to me,” sabi ni Webb na bibigyan ng intensidad ang bench ng Hotshots. “I’m very aggressive, high-intensity. It’s gonna be something like that.”
Ilang aspeto ng ‘Triangle Offense’ ni Cone ang gagamitin ni Webb sa kanyang paggiya sa Star.
“We will take some of them into our offense. Because you have to be able to adapt,” wika ni Webb.
Nangako naman si San Miguel Purefoods Inc. president at team governor Butch Alejo na hindi nila pakakawalan sina two-time PBA Most Valuable Player James Yap, Peter June Simon, Mark Barroca, Ian Sangalang at Joe Devance. Karamihan sa mga Hotshots ay may expiring contracts.
- Latest