Quarterfinals ikakamada vs Lady Chiefs, Lady Bulldogs ‘di bibitaw

STANDINGS W   L

Group A

NU                    2    0

FEU                  2    0

Arellano                       1    1

UP                                1    1

UB                                0    2

PUP                  0    2

Groupo B

St. Benilde                  2    0

Ateneo                         2    0

UST                  1    1

TIP                    1    1

DLSU-Dasma             0    2

San Sebastian           0    2

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

12:45 p.m.  Arellano vs NU

3 p.m.  FEU vs PUP

5 p.m.  San Sebastian

vs TIP

 

MANILA, Philippines - Aasa ang National University Lady Bulldogs sa mga pamalit para manati­ling nasa liderato sa Sha­key’s V-League Season 12 Collegiate Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Nanaig sa mga kopo­nan ng UP Lady Maroons at University of Batangas Mighty Brahmans, mapapalaban ang Lady Bulldogs laban sa Arellano Lady Chiefs dahil hindi nila makakasama ang dalawang pambatong manla­laro sa larong magsisimula  sa ganap na alas-12:45 ng tanghali.

Sina Dindin Manabat at Myla Pablo ay wala sa larong ito dahil kasama sila sa ipinadalang koponan sa VTV Cup sa Vietnam.

Si Pablo at Manabat ang pangalawa at pa­ngat­long best scorers ng NU matapos ang 31 at 28 kabuuang puntos sa da­la­wang laro.

Si Jaja Santiago na siyang leading scorer sa liga bitbit ang 38 puntos sa 24 kills, 6 blocks at 8 aces, ang siyang mangunguna sa koponan ngunit dapat na mayroon siyang katuwang para hindi mapurnada ang pakay na 3-0 karta sa Group A na sapat na upang makapuwesto na sa quarterfinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Ang Lady Chiefs ay ga­ling sa four-sets pagkatalo sa FEU Lady Tamaraws at hindi sila papayag na mabigo uli upang hindi madiskaril ang planong makaabante sa susunod na yugto.

Ang Lady Tamaraws na may 2-0 rin sa Group A, ay balak na maisulong  pa ang winning streak kontra sa PUP Lady Radicals sa ganap na alas-3 ng hapon habang balak ng TIP Lady Engineers ang makaba­ngon matapos matalo sa huling laro kontra sa San Sebastian Lady Stags dakong alas-5 ng hapon.

Matapos malusutan ang La Salle-Dasma Lady Patriots sa limang sets ay natalo ang TIP sa St. Benilde Lady Blazers sa apat na sets para makasalo ang UST Tigresses sa 1-1 karta.

Tiyak] na dadaan uli sa butas ng karayom ang TIP dahil nais ng Lady Stags na tapusin ang dalawang sunod na pagkatalo upang manatiling buhay ang paghahabol ng upuan sa quarterfinals.

 

Show comments