Tornadoes ‘di umubra sa Lady Blaze Spikers

Laro sa Linggo

2:30 p.m. Philips Gold

vs Shopinas

4:30 p.m. Mane ‘N Tail

vs Cignal

 

MANILA, Philippines - Sumulong sa 2-0 karta ang Petron Lady Blaze Spikers nang kalusin ang Foton Tornadoes, 25-18, 26-24, 20-25, 25-19, sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Confe­rence kahapon sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Si Dindin Santiago-Manabat ay nagpakawala ng  23 puntos,  kasama ang 20 kills, habang si Rachel Ann Daquis ay nagpasok pa ng 11 puntos.

Ang kanyang liderato ang nakatulong para maisantabi ang matinding hamon ng Foton na nalag­lag sa unang pagkatalo matapos ang dalawang laro.

“Siya ang nagbigay ng energy sa team at mabuti na na-rub off ito sa kanyang mga teammates,” ani Petron coach George Pascua.

Si Daquis ay hindi nakasama ng koponan sa u­nang laban sa Philips Gold na kanilang naipanalo rin.

May 14 puntos pa si Frances Mollina habang 10 naman ang naidagdag ni Aby Maraño para magsolo sa unahan ang Petron sa ligang inorganisa ng SportsCore katuwang ang Asics, Mikasa, Senoh, Mueller Sports Medicine,Via Mare, LGR at Healthway Medical.(AT)

Show comments