^

PSN Palaro

Gems, Mixers maghihiwalay

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (JCSGO Gym, Cubao, Quezon City)

1 p.m. Cebuana Lhuillier vs Kera Mix

3 p.m. Cagayan Rising Suns vs MP Hotel

MANILA, Philippines – Pag-aagawan nga­yon ng Cebuana Lhuillier  Gems at KeraMix Mixers ang ikatlong sunod na panalo sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Sa ganap na ala-1 ng hapon magsisimula ang bakbakan at ang mananalo ay magsosolo sa itaas ng team standings sa hanay ng sampung koponan na naglalaban.

Galing ang Gems sa panalo laban sa Café France Bakers, 86-85, at MP Hotel Warriors, 118-78, habang magara rin ang panimula ng Mixers na tinambakan ang mga koponan ng Warriors (87-60)  at  ATC Liver Marin-San Se­bastian Stags, 89-71.

Ito ang unang matin­ding laban  ng Mixers pero naniniwala si coach Caloy Garcia na may tsansa silang manalo lalo na kung gaganda ang kanilang depensa.

“Man for man ay mas malakas sila. Pero kung malilimitahan namin si Moala (Tautuaa) may chance kaming manalo,” ani Garcia.

Wala namang problema para kay Gems coach David Zamar kung madepensahan ang 6’7 rookie lalo na kung magpapatuloy ang magandang pagtutulungan ng  lahat ng kanyang manlalaro.

Matapos ang 34 puntos sa come-from-behind panalo sa Bakers, si Tautuaa ay nagkaroon lamang ng 11 puntos  pero tinambakan pa rin ng koponan ang Warriors dahil sina Almond Vosotros at Norbert Torres ay nakitaan ng magandang paglalaro.

Ang Cagayan Valley at Warriors ang magtutuos sa ikalawang laro dakong alas-3 ng hapon at patok ang pumangalawa sa Aspirants’ Cup na matuhog ang ikalawang sunod na panalo base sa ipikakita ng Warriors sa naunang dalawang asignatura. (AT)

ALMOND VOSOTROS

ANG CAGAYAN VALLEY

CAGAYAN RISING SUNS

CALOY GARCIA

CEBUANA LHUILLIER

CUBAO

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with