2 titulo uli kay Tugade

MANILA, Philippines – Matapos angkinin ang dalawang single titles sa first leg, muling nagdomina si Vince Tugade nang mu­ling maghari sa second leg ng Globe 17th HEAD GRAPHENE XT Junior Tennis Satellite Circuit sa Capitol Tennis Courts sa Isulan Governor’s Palace sa Isulan, Sultan Kudarat.

Tinalo ni Tugade, nagkampeon sa boys’ 16 at 14-under singles sa first leg sa Davao City, si Klyde Lagarde sa finals, 6-1, 6-2, para pamahalaan ang boys’ 16-under ng satellite competition na may basbas ng Philippine Tennis Association at nagbibigay ng junior ranking points sa mga partisipante.

Muling binigo ni Tugade si Lagarde sa finals naman ng boys’ 14-under singles, 7-5, 6-4, para sa kanyang ikaapat na sunod na korona sa netfest na inorganisa ng Dynamics Sports.

Sinikwat naman ni Patricia Velez ang dalawang titulo sa second leg nang ungusan si Yzyl Domingo sa finals ng girls’ 18-under singles class, 6-0, 6-2, at laban kay Joyce Sapitanan sa girls’ 16-under division, 6-0, 6-0.

Show comments