Laro Bukas (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Barako Bull vs NLEX
5:15 p.m. Globalport vs San Miguel
MANILA, Philippines – Walang pakialam si Rain or Shine head coach Yeng Guiao kung sinuman ang kanilang makalaban sa quartrfinal round.
Ang importante ay makopo nila ang isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive.
Hindi lamang ang nasabing insentibo ang inangkin ng Elasto Painters kundi maging ang No. 1 seat sa quarterfinals matapos gibain ang Kia Carnival, 119-99, sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Dahil sa kanilang superior quotient ay nakamit ng Rain or Shine ang No. 1 berth laban sa nagdedepensang Purefoods bagama’t may pareho silang 8-3 record.
Ipinoste ng Elasto Painters ang malaking 27-point lead, 71-44, sa dulo ng second period hanggang makalapit ang Carnival sa 88-96 agwat sa 8:32 minuto ng fourth quarter.
Isang 23-7 atake, tampok ang apat na three-pointers nina Ryan Araña, import Wayne Chism, Chris Tiu at Ty Tang, ang muling naglayo sa Rain or Shine laban sa Kia sa 119-95 sa huling 1:13 minuto ng laro.
Sa ikalawang laro, hinablot ng Talk ‘N Text, angat sa Purefoods sa quotient, ang No. 2 seat at ang ikalawa at huling ‘twice-to-beat’ bonus sa quarterfinals matapos patumbahin ang Alaska, 101-93.
Kumamada si import Ivan Johnson ng 47 points, tampok ang 9-of-14 shooting sa three-point range, at 10 rebounds para sa ikalawang dikit na pananalasa ng Tropang Texters.
Nakasagutan ni Johnson si Aces mentor Alex Compton habang papalabas ng court bago naawat ng kanilang mga coaching staff.
Nauna nang nakaasaran ni Johnson si Calvin Abueva sa huling mga segundo ng fourth quarter kung saan tiyak na ang panalo ng Talk ‘N Text.
Rain or Shine 119 – Chism 28, Almazan 16, Lee 14, Tiu 13, Araña 13, Norwood 10, Belga 8, Tang 7, Cruz Jericho 4, Chan 4, Quiñahan 2, Uyloan 0, Ibañes 0, Teng 0.
Kia 99 – Ramos 45, Revilla 15, Dehesa 10, Cervantes 9, Ighalo 8, Cawaling 2, Thiele 2, Alvarez 2, Pascual 2, Yee 2, Avenido 2, Buensuceso 0, Bartolo 0.
Quarterscores: 30-26; 71-46; 92-80; 119-99.
Talk ‘N Text 101 – Johnson 47, De Ocampo 20, Castro 10, Washington 8, Fonacier 7, Rosser 7, Alas 2, Aban 0.
Alaska 93 – James 23, Abueva 16, Hontiveros 11, Baguio 10, Casio 10, Jazul 9, Manuel 6, Exciminiano 4, Banchero 2, Thoss 2, Menk 0.
Quarterscores: 27-25, 48-31, 74-56, 101-93.