OAKLAND, California-- Tumipa si Harrison Barnes ng 25 points, habang nagtala si Andre Iguodala ng 21 points at 6 assists para tulungan ang Golden State Warriors sa 114-95 paggiba sa Atlanta Hawks sa matchup sa pagitan ng top two teams sa NBA.
Nagdagdag si Stephen Curry ng 16 points at 12 assists at nag-ambag si Draymond Green ng 18 points, samantalang humakot si Andrew Bogut ng 14 rebounds para sa best record ng Golden State (54-13) sa liga.
Ito ang ika-10 sunod na home win ng Warriors.
Muli namang nabigo ang Hawks sa kanilang tsansang makamit ang una nilang division title matapos noong 1993-94 season dahil sa panalo ng Washington Wizards laban sa Utah Jazz.
Sa Cleveland, hindi itinago ni Cavaliers coach David Blatt ang kanyang pagkadismaya.
Matapos ang ikaanim na turnover ng kanyang koponan sa unang mga minuto ng laro, tumawag si Blatt ng timeout at binigyan ang kanyang mga players ng specific instructions.
“Stop turning the ball over,’’ wika ni Blatt.
Nakinig naman ang mga Cavaliers at sinilaban ang Brooklyn Nets.
Umiskor sina J.R. Smith at Timofey Mozgov ng tig-17 points, habang nagtala si Kyrie Irving ng 10 assists para tulungan ang Cavaliers sa 117-92 paggiba sa Nets.
Ito ang ika-14 sunod na home game ng Cavaliers.
Tumipa si LeBron James ng 16 points para sa Cavs, may pitong players na umiskor sa double figures.
Nagbalik matapos ang four-game road trip, naiwanan ang Cleveland ng Brooklyn ng 13 points sa first quarter bago kumamada ng 30-8 run patungo sa kanilang panalo.
Sa Oklahoma City, kumamada si Russell Westbrook ng 36 points para banderahan ang Thunder sa 122-118 panalo laban sa Boston Celtics.
Tinapos ng Thunder ang five-game winning streak ng Celtics.
Nag-init si Westbrook sa third quarter kung saan siya umiskor ng 8 points mula sa 5:22 minuto hanggang sa 4:09 minuto at pinamunuan ang 13-0 run na nagbigay sa Oklahoma City ng 79-70 lead.