^

PSN Palaro

Orton ‘di natinag sa pahayag vs Pacman

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hanggang ngayon ay naninindigan pa rin si dating Purefoods import Daniel Orton kaugnay sa kanyang ipinahayag laban kay Manny Pacquiao, ang playing coach ng Kia sa Philippine Basketball Association.

Sa isang panayam ay sinabi ni Orton na wala siyang nakikitang masama ukol sa kanyang pagbatikos sa paglalaro ni Pacquiao sa PBA.

“I feel like I wasn’t wrong in what I said,” wika ni Orton. “I know I upset the whole country but I wasn’t wrong in what I said.”

Matapos ang pagkatalo ng Hotshots sa Carnival noong Pebrero ay tinawag ni Orton si Pacquiao na isang ‘joke’ kasabay ng pagkondena sa officiating sa PBA.

Ang resulta nito ay ang multang P250,000 ng PBA Commissioner’s Office kasabay ang pagsibak sa kanya ng Purefoods  bilang import.

Sinabi ni Orton na ang paglalaro ni Pacquiao sa PBA ay pambabastos sa mga players na nagtiyaga mula sa high school hanggang amateur ranks para lamang makapasok sa PBA.

“My message was to not disrespect the game I know and love. I feel like that’s what it was. Disres­pect more than anything,” ani Orton.

Kinuha si Orton ng Grand Rapids Drive ng NBA Developmental Lea­gue bilang pinakabago nilang player.

Ang naturang koponan ay tinatangkilik ni Floyd Mayweather Jr. na tubong Grand Rapids.

Ang 6-foot-9 na si Orton, produkto ng Kentucky at ang first round draft pick ng Orlando Magic, ang magiging starting center para sa Grand Rapids Drive.

 

DANIEL ORTON

DEVELOPMENTAL LEA

FLOYD MAYWEATHER JR.

GRAND RAPIDS

ORLANDO MAGIC

ORTON

PACQUIAO

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with