^

PSN Palaro

SBP pursigidong manalo sa China sa hosting ng FIBA World Cup

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Awtomatikong makakapaglaro ang Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup.

Kaya naman determinado ang Samahang Basketball ng Pilipinas ni president Manny V. Pangi­linan na manalo sa China para sa hosting rights ng naturang event.

Ikinunsidera ng FIBA Executive Committee ang Pilipinas at ang China bilang finalists para sa pamamahala ng 2019 FIBA World Cup na huling idinaos sa bansa noong 1978.

“We are honored that the FIBA Executive Committee has chosen Asia as the site of the 2019 FIBA WORLD CUP, short listing the Philippines together with our esteemed Asian brother, China,” pahayag ng SBP.

Tinalo ng Pilipinas, mu­ling nakapaglaro sa FIBA World Cup sa Spain noong nakaraang taon, at China para ikunsidera sa hosting rights ang Turkey, Qatar, Germany at France.

Matapos isumite ng SBP ang final candidature file sa FIBA para sa deadline sa Abril 30, ang susunod na deadline ay sa Mayo 31 para sa nilagdaang Host Nation Agreement at guarantees.

Ang Pilipinas at ang China ay magbibigay ng 20-minute presentation sa harap ng FIBA Central Board sa Switzerland sa Hunyo kasunod ang paghahayag ng FIBA para sa winning bid sa Central Board meeting sa Hunyo 18-19.

Maaari ring sabay na ihayag ng FIBA ang host para sa 2023 FIBA World Cup.

“We shall endeavor to put our best foot forward as we work on the finalization of our bid offer. We thank everyone, including our friends from sports media, who helped SBP make a positive impression with the FIBA Evaluation Commission during their visit in January,” wika ng SBP.

Apat hanggang limang playing venues ang sinabi ng FIBA na dapat pagdausan ng mga laro ng 2019 World Cup, sasalihan ng 32 bansa sa unang pagkakataon matapos ilunsad noong 1950.

Ang mga venues na maaaring gamitin ng SBP para sa event ay ang Phi­lippine Arena, Smart Araneta Coliseum, Mall of Asia Arena at ang mga tinatapos pang Solaire Arena at SM Cebu Arena.

ANG PILIPINAS

CEBU ARENA

CENTRAL BOARD

EVALUATION COMMISSION

EXECUTIVE COMMITTEE

FIBA

PARA

PILIPINAS

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with