Tigresses, Lady Bulldogs unahan sa krusyal na panalo

MANILA, Philippines – Magtutuos ngayon ang UST Tigresses at NU Lady Bulldogs upang malaman kung sino sa kanila ang magpapatuloy ng kampan­ya para sa titulo sa 77th UAAP softball sa Rizal Memorial Ballpark.

Magsisimula ang ak­syon sa ganap na alas-9 ng umaga para buksan ang step-ladder semifinals.

Ganito ang format sa playoff dahil hindi uli natalo ang nagdedepensang kampeon Adamson Lady Falcons matapos ang 12 laro sa elimination round.

Dahil dito ay may 60 sunod na panalo na ang Adamson na nagsimula noong 2011.

Naunang nagkaroon ng playoff at nagwagi ang Lady Bulldogs sa La Salle Lady Archers,11-0, para umabante ito at pagpahi­ngahin ang Taft-based batters.

Pumangalawa sa hu­ling dalawang taon, gagamitin ng NU ang momentum para daigin ang UST na natalo sa UP Lady Maroons, 4-7, sa playoff para sa number two spot.

Ang magwawagi rito ang siyang kalaban ng Lady Maroons sa second round sa Biyernes.

Dahil pumangalawa, ang UP Lady Maroons ay may twice-to-beat advantage sa makakaharap.

Show comments