^

PSN Palaro

Ipinag-utos ng USADA Random drug test kina Pacquiao, Mayweather

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lalo pang itinaas nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. ang sarili bilang tunay na nagmamalasakit sa palakasan nang pumayag sa masin­sinang pagsusuri sa ipinagbabawal na droga para sa magaganap na mega-fight sa Mayo 2 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ang US Anti-Doping Agency (USADA) ang siyang mangangasiwa sa drug testing gamit ang blood o urine testing at hindi rin ipapaalam sa dalawang bo­xers kung kailan ito gagawin.

“It’s a strong statement of the importance of clean and safe competition to have these two fighters voluntary agree to have a WADA-level anti-doping program implemented for this fight. We commend them for their stand for clean sport and the message it sends to all those who what to compete clean at the highest levels of all sport,” wika ni USADA Chief Executive Travis Tygart sa LA Times.

Para matiyak na lahat ng klaseng droga ay ma­kikita, gagamit  ang USADA ng makabagong Carbon Isotope Ratio na tutukoy sa synthetic testosterone bukod sa human growth hormone na nagbibigay ng kakaibang lakas sa isang atleta.

Kung sakaling may bu­magsak sa pagsusuri kina Pacquiao at Mayweather, ang kaukulang parusa na ipapataw ay apat na taong suspension

Walang pipiliing oras ang USADA at kahit sa araw ng laban at matapos ang bakbakan sa Mayo 2 ay puwede nilang suriin sina Pacquiao at Mayweather.

Parehong sinabi ng dalawang tinitingalang boksingero sa kapanahu­nang ito na hindi sila gumagamit ng anumang ipinagbaba­wal na gamot at tiyak na pinangangatawanan nila ito lalo pa’t pagreretiro ang kahihinatnan ng boxer na mapapatunayan na gu­mamit siya ng ipinagba­bawal na gamot.

Ang masinsinang drug testing ang iginiit ni Mayweather noon pang sinimulan ang usapin para magkatapat sila ni Pacman.

Hindi agad sang-ayon si Pacquiao sa ganitong istilo pero pumayag na rin sa huli para ipakita sa lahat na mali ang mga akusasyong lumabas noon na may iniinum siyang kakaiba kaya nagagawang patumbahin ang mga katunggali na mas malaki sa kanya. (AT)

ANTI-DOPING AGENCY

CARBON ISOTOPE RATIO

CHIEF EXECUTIVE TRAVIS TYGART

FLOYD MAYWEATHER JR.

GRAND ARENA

LAS VEGAS

MAYWEATHER

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with