National athletes sa Seasports Fest

MANILA, Philippines – Lalahok ang ilan sa mga pinakamagaling na national athletes ng dragon boat sa 2015 Manila Bay Seasports Festival na sasagwan sa Marso 14-15.

May 18 koponan ang inaasahang lalahok sa dra-gon boat race na karamihan ay kinabibilangan ng mga Pambansang atleta.

Kasali sa taong ito ang mga koponan ng  Philippine Air Force, Crimson Dragons, Amateur Paddlers Philippines, Rogue Pilipinas, Philippine Blue Phoenix, 1925 Paddlers Club, the Philippine Coast Guard, Triton, Onslaught Ra­cing Dragons, Rowers Club Philippines Sea Dragons, One Piece Dragon Sangress, Manila Ocean Park, PNP Maritime Group Patriots, Philippine Navy, NTMA Dragon Boat Team, Adamson University Paddlers, Maharlika Drakon Racers at Dragons Republic.

Ang Festival ay proyekto ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard.

Tampok din dito ang stock at formula races para sa mga bangkang de-motor.

Show comments