^

PSN Palaro

Heat binigyan si Dragic ng regalo, Suns sinilaban

Pilipino Star Ngayon

MIAMI – Pinasalamatan ni Goran Dragic ang Heat para sa kanyang birthday present.

Ngunit ang kanyang kaarawan ay sa May 6.

Kung iba ang kanilang kalaban ay malamang na hindi naglaro si Dragic dahil sa kanyang back spasms.

Ngunit ito ay kontra sa Phoenix Suns, ang kopo­nang tumawag sa kanyang makasarili matapos siyang dalhin sa Miami noong nakaraang buwan.

Hindi naman binigo si Dragic ng kanyang mga bagong teammates.

Umiskor si Tyler Johnson ng career-high 26 points mula sa bench at nagdagdag  ng 21 si Dragic para tulungan ang Heat sa 115-98 paggiba sa Suns.

Sa New York, nagsalpak si Jarrett Jack ng tiebreaking jumper sa natitirang 1.1 segundo para itakas ang Brooklyn Nets laban sa Golden State Warriors, 110-108.

Itinabla ni Stephen Curry ang Warriors mula sa 10-point deficit sa huling apat na minuto ng laro.

Tumapos si Curry na may 26 points, ang 18 dito ay kanyang ginawa sa final period.

Sa iba pang resulta, giniba ng Toronto ang Phi­ladelphia, 114-103; tinalo ng Dallas ang New Orleans, 102-93; at pinatumba ng Los Angeles Clippers ang Minnesota, 110-105.

BROOKLYN NETS

DRAGIC

GOLDEN STATE WARRIORS

JARRETT JACK

LOS ANGELES CLIPPERS

NEW ORLEANS

NGUNIT

PHOENIX SUNS

SA NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with