^

PSN Palaro

Dating Knicks player na si Mason namatay

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK – Ang laro ni Anthony Mason ay base sa kanyang tiyaga at lakas.

At ito ang istilong na­babagay para sa New York Knicks noong 1990s kung saan hinangaan at minahal ang nasabing rugged for­ward ng kanyang mga teammates at fans.

Namatay si Mason no­ong Sabado sa edad na 48-anyos.

Sinabi ng kanyang da­ting teammate na si Patrick Ewing na ang kanyang ‘’heart is heavy’’ matapos ma­laman ang pagkamatay ni Mason bunga ng atake sa puso.

“Mase came to play every night and was always ready to go to battle with me every time we stepped on the court together,” sabi ni Ewing sa isang statement.  “I will remember him for his strength, determination and perseverance.”

Si Mason ay isang defensive force na naglaro pa­ra sa anim na NBA teams mula 1989-2003.

Isa rin siyang popular pro­tector ng mga superstars kagaya ni Ewing.

“Mase was one of the toughest competitors of his era,” sabi ni Chicago Bulls’ superstar Michael Jordan kay Mason.

Ang 6-foot-7 na si Mason ay ang 1995 Sixth Man of the Year habang nagla­laro sa Knicks at napabilang din sa All-Star team.

Nakatulong niya sa de­pensa si Charles Oakley at pinangalagaan ang ka­nilang franchise center na si Ewing.

Nagtala si Mason ng mga career averages na 10.9 points at 8.3 rebounds.

vuukle comment

ANTHONY MASON

CHARLES OAKLEY

CHICAGO BULLS

MASE

MASON

MICHAEL JORDAN

NEW YORK KNICKS

PATRICK EWING

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with