Grizzlies nilapa ang Timberwolves Leonard nagbida sa panalo ng Spurs

Nakawala si Kawhi Leonard ng San Antonio Spurs mula sa depensa ng Phoenix Suns.

PHOENIX – Sa wakas ay makakauwi na rin ang San Antonio taglay ang malaking panalo.

Nilisan ni Phoenix forward Markieff Morris ang ka­nilang locker room at galit sa mga Suns fans.

Humakot si Kawhi Leo­nard ng 22 points at 10 rebounds at dinomina ng Spurs ang laro mula sa  ope­ning tip patungo sa ka­nilang 101-74 paglampaso sa Suns.

Angat ang Spurs, tinapos ang kanilang annual nine-game ‘’rodeo road trip,’’ ng 51-24 sa halftime na siyang pinakamaliit na pro­duksyon sa isang yugto ng Suns sa kanilang franchise history.

Lumamang ang San An­tonio ng 34 puntos sa se­cond half.

“It’s one of those games,” ani Phoenix coach Jeff Hor­nacek. “I guess the bright side is that they all played bad the same night.”

Nagdagdag sina Danny Green, Boris Diaw at Aron Baynes ng tig-12 points pa­ra sa Spurs.

Ang 27-point margin ang dumuplika sa pinaka­ma­laking kabiguan ng Suns ngayong season.

“It is just basketball,” wika ni San Antonio coach Gregg Popovich. “We just had a good night defensively and at the same time they had a poor night shooting. It happens. It has happened to us before and it is not a good combination when the other team is pla­ying good ‘D’ and you can’t make shots.”

Sa Minneapolis, kumo­lekta si center Marc Gasol ng 27 points at 11 rebounds, habang nagsalpak si Mike Conley ng mahalagang 3-pointer sa natitirang 30 segundo para tulungan ang Memphis Grizzlies sa 101-97 panalo kontra sa Tim­berwolves.

Tumipa si Gasol ng 9 points sa huling 4 minuto at ang tres ni Conley ang bu­masag sa 95-95 pagka­katabla para ibigay sa Grizzlies ang 98-95 abante sa huling 30 segundo.

Tumapos si Conley ng 17 points at kumonekta ng dalawang free throws sa nalalabing 11 segundo pa­ra tiyakin ang panalo ng Memphis.

Sa Dallas, naglista si Deron Williams ng 25 points at 6 rebounds, samantalang nagdagdag si Thaddeus Young ng 16 points at 8 rebounds mula sa bench para pangunahan ang Brooklyn Nets sa 104-94 panalo kontra sa Mavericks.

Binanderahan naman ni Dirk Nowitzki ang Mave­ricks sa kanyang 20 points kasunod ang 14 ni Devin Harris.

Naglaro ang Dallas nang wala sina Tyson Chandler (bruised left hip) at Chandler Parsons (sprained left ankle).

Ang resulta nito ay ang three-guard starting lineup nina J.J. Barea, Monta Ellis at Rajon Rondo at si No­witzki ang center.

Sa New York, nagposte si Tim Hardaway, Jr. ng 22 points at kumonekta si Langston Galloway ng tres  para sa 103-98 pananaig ng Knicks laban sa Toronto Raptors.

Ito ang pang-limang su­nod na kamalasan ng Rap­tors ngayong season.

Nagdagdag si dating Rap­tors center Andrea Bargnani ng 19 points ka­su­nod ang 15 ni Alexey Shved para sa Knicks.

Pinangunahan naman ni Lou Williams ang Portland sa kanyang 22 points.

Nagtabla ang Raptors at ang Chicago Bulls sa se­cond place sa Eastern Con­ference.

Show comments