^

PSN Palaro

PSC/POC mag-iinspeksyon sa Clark

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling magsasagawa ng pagsusuri ang mga pangunahing sports officials ng bansa sa lugar na balak pagtayuan ng ma­kabagong training center sa Clark, Pampanga.

Sina PSC chairman Ricardo Garcia at POC president Jose Cojuangco Jr. ang mga mangunguna sa hanay ng mga opisyales ng palakasan ng bansa na bibisitahin ang 50- ektar­yang lupain na pag-aari ng Clark International Airport Corporation (CIAC) sa Lunes.

“This will be our final ins­pection before sig­ning the Memorandum of Agreement,” ani Garcia.

Ang CIAC ay pina­ngu­ngunahan ni Emigdio Tanjuatco III bilang President at CEO, at inalok niya  ang PSC ng 25-taon kontrata na kung saan piso lamang kada taon ang kanilang ibabayad para magamit ito.

Puwede pa itong palawigin sa isa pang 25-year contract para masulit ang planong pagpapatayo ng makabagong training center.

Sisipatin uli ng mga sports officials ang lugar para madetermina ng tuluyan kung tunay bang walang magiging problema ang pagsasanay ng mga atleta.

Kapag nasagot ang mga katanungang ito ay inaasahang malalagdaan na ang MOA na ngayon ay ginagawa na ng CIAC.

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT CORPORATION

EMIGDIO TANJUATCO

GARCIA

JOSE COJUANGCO JR.

KAPAG

MEMORANDUM OF AGREEMENT

PAMPANGA

RICARDO GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with