SMART FC nanguna sa cfl yuppies cup

MANILA, Philippines - Hinirang na kampeon ang all-employee football club ng wireless services leader na Smart Commu­nications, Inc. (Smart) sa Corporate Football League’s (CFL) Yuppies Cup kamakailan sa Taguig. Tinalo ng Smart ang Telus, 1-0, para sa top plum. Inangkin nina Smart players Miguel Roy at Albert Francisco ang Golden Boot Award at Most Valuable Player award, ayon sa pagkakasunod. Nauna nang pinagha­rian ng Smart FC ang CFL Cup na nilahukan ng 16 kompanya. Ang koponan ay isa lamang sa 22 employee clubs na humihikayat sa mga manggagawa na isabuhay ang “Live More” manifesto. Matatagpuan ang iba pang impormasyon sa Smart employee activities sa @workatsmart accounts sa Instagram, Twitter, at Facebook.

 

Show comments