^

PSN Palaro

2014 taon ni Caluag

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Si Daniel Caluag lamang ang tanging atleta na nakapag-uwi ng gintong medalya mula sa Asian Games sa Incheon, Korea noong nakaraang taon.

Kaya naman ikinunsidera ni Caluag ang taong 2014 bilang ‘eventful year’ para sa kanya.

“It was a great year being a new dad, graduating at nursing school, along with the Asian Games gold medal, and to top it off with the Athlete of the Year,” ani Caluag sa kanyang maikling acceptance speech sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Awards Night na inihandog ng MILO at San Miguel Corp. noong Lunes ng gabi kung saan siya hinirang bilang Athlete of the Year.

Pinamunuan ni Caluag, nanggaling sa Kentucky, USA para sa PSA award mula sa pinakamatandang media organization sa 1Esplanade, ang kabuuang 79 personalities at entities na pinarangalan sa espesyal na gabi na dinaluhan ng mga top sports officials, prominent athletes at special guests.

Ang mga nagbigay ng Athlete of the Year trophy kay Caluag ay sina Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia na siyang naging keynote speaker, Philcycling president at Cavite Congressman Bambol Tolentino at si PSA president Jun Lomibao ng Business Mirror.

Ang BMX rider, sinamahan sa event na itinaguyod ng Meralco, Smart at MVP Sports Foundation bilang principal sponsors at ng PSC bilang major sponsor ng kanyang mga kamag-anak na nanggaling sa Nueva Ecija, ang nagbigay sa bansa ng nag-iisang gold medal sa Incheon Asiad.

Naging tampok din sa awards night ang pagbibigay sa 1973 Philippine men’s basketball team ng Lifetime Achievement Award.

Pinangunahan ni dating Senator Robert Jaworski Sr. ang koponan na nagkampeon FIBA-Asian Men’s Championship 42 taon na ang nakararaan sa Manila.

Nakasama ni ‘Big J’ sa entablado ang mga kakam­ping sina Bogs Adornado, Yoyong Martirez, Manny Paner, Leo Arnaiz (kinatawan ang kapatid na si Francis Arnaiz), Richie Melencio (kinatawan ang kanyang na­mayapang amang si Tembong Melencio) at John Campos, ang pinsan ni strength and conditioning coach Juan Cutillas.

ASIAN GAMES

ASIAN MEN

ATHLETE OF THE YEAR

AWARDS NIGHT

BIG J

BOGS ADORNADO

BUSINESS MIRROR

CALUAG

CAVITE CONGRESSMAN BAMBOL TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with