NEW YORK – Mas kuminang si Russell Westbrook sa 2015 NBA All-Star Game sa Big Apple.
Kumamada si Westbrook ng 41 points - isang puntos lamang ang kulang para sa 53-year-old record ni Wilt Chamberlain - at hinirang na MVP matapos tulungan ang West sa 163-158 panalo laban sa East dito sa Madison Square Garden.
Nagposte ang Oklahoma City flashy point guard ng record sa kanyang 27 first-half points at halos pantayan ang ginawa ni Chamberlain noong 1962.
Hindi alam ni Westbrook na muntik na niyang maduplika ang record na 42 points ni Chamberlain.
“I missed about six or seven layups,” wika ni Westbrook. “I could definitely have had it.”
Si Westbrook ay isang showman at pinabilib ang mga manonood, kabilang na sina US-ex President Bill Clinton, Jay-Z, Beyonce at ilang all-time greats ng NBA.
Si Westbrook ang naging ikatlong player na umiskor ng 40 points sa isang All-Star Game matapos sina Chamberlain at Michael Jordan, tumipa ng 40 markers noong 1988.
“It’s definitely an honor to be grouped with those two guys,” ani Westbrook.
Sa first half, tinulungan ni Westbrook ang West na makapagtayo ng 20-point lead na unti-unting napababa ng East.
Isa sa kanyang mga high-flying dunks ay nagpakita ng pagtama ng kanyang ulo sa ibabang bahagi ng backboard.
Ang pinakamalaking basket ni Westbrook ay nangyari sa huling 2:22 minuto ng fourth quarter nang isalpak ang kanyang 3-pointer para muling ilayo ang West sa 158-149.