^

PSN Palaro

Pinay belles kagrupo ng South Korea sa Asian Women’s C’ships

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagrupo ang Pilipinas sa South Korea, Australia at Kazakhstan para sa 18th Asian Women’s Volleyball Championship sa Beijing at Tianjin sa China.

Ang kompetisyon ay na­katakda sa Mayo 20-28 at ang Pilipinas at mga ka­samang bansa ay nasa Pool D matapos ang isinagawang draw kamakailan.

Awtomatikong kasali ang Pilipinas sa kompetis­yon kasama ang 16 bansa dahil nagpadala ang Philippine Volleyball Fe­deration ng koponan no­ong 2013 sa Nakhon, Rat­chasima sa Thailand.

Tumapos ang bansa sa ika-12 puwesto at tinalo ang mga bansang Myanmar at Sri Lanka.

Ngunit nasa balag ng ala­nganin pa ang partisipasyon ng women’s team dahil sa gulo sa liderato ng sport.

Nagtatag ng bagong pe­derasyon si POC 1st Vice President Joey Romasanta ng Larong Volleyball ng Pilipinas para ipalit sa PVF at may inisyal na re­kog­nisyon ang grupo mula sa international volleyball fe­deration (FIVB).

Kailangan lamang na mag­luklok ang LVP ng mga opisyales hanggang Peb­rero 15 at kung hindi ay babawiin ang pagkilala at masususpindi ang bansa.

Ngunit nagulong muli ang sitwasyon dahil ipinag-utos ni POC president Jose Cojuangco Jr. kay Roma­san­ta na bitiwan niya ang LVP at ibigay sa dating PA­VA president at dating ka­samahan sa Kongreso na si Victorico Chavez.

Si Chavez ay kabahagi ng PVF at nais din niyang bitbitin ang ibang opisyales ng binubuwag na pederas­yon.

Ang nagdedepensang kampeon sa Asian Wo­men’s na Thailand ay naka­sama ng Chinese-Taipei, Hong Kong at Sri Lanka sa Pool B.

Ang host China ay kabilang sa Pool A kasama ang Iran,Fiji at In­dia, samantalang ang Ja­pan, Vietnam, Mongolia at Turkmenistan ay nasa Pool C.

Ang mangungunang tat­long bansa matapos ang torneo ay papasok sa World Olympic Qualifi­cation Tournament na na­ka­takda sa Mayo 2016.

ASIAN WO

ASIAN WOMEN

HONG KONG

JOSE COJUANGCO JR.

LARONG VOLLEYBALL

NGUNIT

PILIPINAS

SHY

SRI LANKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with